Pinaplano ngayon ng Department of Social Welfare and Development na taasan ang natatanggap na cash assistance ng mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bansa.
Ayon sa ahensya, ito ay bilang tugon sa kanila dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa mataas na inflation.
Kaugnay nito, sinabi ng ahensya na nakikipag-ugnayan na sila sa National Economic and Development Authority at sa Philippine Statistics Authority.
Layon ng hakbang na ito na makagawa ng kinakailangan plano para sa pagpapatupad ng cash grants adjustment sa mga beneficiaries ng 4Ps.
Paliwanag pa ng DSWD na kakailanganin nila ang mga datos ng NEDA at PSA para mai-adjust ang mas naaayon na tulong sa kanila.
Kung maaalala, ipinagutos ni PBBM sa DSWD, NEDA at PSA na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa kasalukuyang halaga ng cash grants sa mga 4Ps members
Nais ng pangulo na masiguro ang maayos na pagtugon sa kasalukuyang socio-economic na kinakaharap ng bansa.