-- Advertisements --

Naging masaklap ang pagkatalo ng Terrafirma Dyip laban sa Magnolia Hotshots 99-98 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup s Ninoy Aquino Stadium.

Nagpakitang gilas ang bagong import ng Hotshots na si Shabazz Muhammad matapos na magtala ng 20 points, apat na rebounds at isang assists habang mayroong 17 poins at limang rebounds si Zavier Lucero.

Mayroon ng apat na panalo at tatlong talo ang Hotshots kung saan sila ay nasa pangatlong puwesto sa Group A.

Habang hindi pa nagkakaroon ng panalo ang Dyip sa pitong laro.

Naging dikitan ang laro kung saan mayroong 12 deadlokcs at 19 na beses na nagkapalitan ng kalamangan.

Nakagawa naman ng 18 points si Kevin Ferrer habang 17 points naman kay Stanley Pringle para sa Dyip.