-- Advertisements --

Naisahan ng Columbian Dyip ang Alaska 117-110 sa pagsisimula ng PBA Governor’s Cup.

Naging bida ang import ng Dyip na si Khapri Alston na nagtala ng 38 points at 22 rebounds.

Nagtala rin ng 27 points at 13 rebounds si CJ Perez.

Ang pagkatalo ng Aces ay siyang itinuturing na buwena bano para sa bagong coach nila na si Jeffrey Cariaso.

Isang malaking hamon din sa Aces dahil sa natamong matinding injury ni Noy Baclao.

Pinasalamatan naman ni Columbian coach Johnedel Cardel ang kanilang import dahil sa sipag na ipinakita nito.

Nasayan naman ang nagawang 40 points ni Aces import Justin Watts.