-- Advertisements --

Nakakuha ng unang panalo ang Terrafirma Dyip sa 2024 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang TNT Tropang Giga 84-72 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Maituturing na ito ang unang panalo ng koponan laban sa TNT mula pa noong 2016.

Nanguna sa panalo ng Dyip si Antonio Hester na nagtala ng 22 points at 10 rebounds habang mayroong 18 points si Stanley Pringle at 10 points ang nagawa ni Ian Sangalang.

Nasayang naman ang naitalang 25 points, 11 rebounds at siyam na steals ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT.