-- Advertisements --
Columbian Dyip
Columbian Dyip/ PBA image

Binigo ng Columbian Dyip ang San Miguel Beermen sa kanilang overtime game 134-132 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida si Lester Prosper na nagtala ng 40 points at 13 rebounds habang mayroong 34 points si CJ Perez.

Ikinatuwa naman Columbian coach Johnedel Cardel dahil kahit na tatlong beses silang natalo ay nakabawi sila.

Dahil sa panalo ay mayroon ng dalawang panalo at anim na talo ang habang mayroong dalawang panalo at limang talo naman ang Beermen.

Nasayang naman ang ginawang 26 point, 16 rebounds ni Charles Rhodes at 24 points, 15 rebounds naman ni June Mar Fajardo ng Beermen.