-- Advertisements --
Naiwasan ng Blackwater Bossing na maging unang koponan na talunin ng Terrafirma Dyip 96-86 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.
Sinimulan ng Bossing ang last quarter sa 9-1 run para tapusin nila ang apat na magkakasunod na talo at mapanatiling walang panalo ang Dyip.
Umabot pa sa 10 points ang lamang ng Terrafirma sa unang quarter 21-11 subalit nahabol ito ng Bossing at nakontrol ang laro.
Bumida sa panalo ng Bossing si George King na nagtala ng 26 points habang mayroong 17 points, 12 rebounds at dalawang assists naman ang naitala ni Justin Chua.
Nasayang naman ang nagawang 29 points at 15 rebounds ni Brandon Edwards para sa Dyip.