-- Advertisements --
Pinahiya ng Columbiang Dyip ang NorthPort 114-108 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.
Ang nasabing laro ay siyang unang paghaharap nina CJ Perez ng Dyip at Robert Bolick ng NorthPort mula noong bumandera ang pangalan nila sa FIBA World Cup.
Pinangunahan ni Perez ang kaniyang koponan na nagtala ng 25 points at 17 rebounds habang mayroong 23 points, pitong rebounds at 10 assist si Bolick.
Mayroon ng dalawang panalo at isang talo ang Columbian hbang mayroong isang panalo at dalawang talo naman ang Batang Pier.
Ayon kay Columbian coach Johnedel Cardel na nararapat na talunin nila ang Batang Pier para sila ay makapasok sa quarterfinals.