-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na ilalabas ngayong buwan ang kanilang bagong programa na Dynamic Learning Program (DLP). Naglalayon itong maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagkakansela ng mga klase dahil sa mga bagyo.

Ang Dynamic Learning Program (DLP) ay magbibigay sa mga paaralan ng flexibility para sa mga gagawing make-up classes. Gagamit din ang programa na ito ng mga simpleng activity sheets.

Ang pagkakaroon ng parallel classes, activity-based engagements, at learners’ portfolios na may kakaunting homework loads ang tataglayin ng naturang programa.

Dagdag pa ng ahensya na nais nila itong simulan sa mga paaralan ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa mga nagdaang bagyo, ang mga lugar na ito ang lubhang naapektuhan pagdating sa pagkakansela ng mga klase.