-- Advertisements --

Nakuha ng kantang “Dynamite” ng Korean group na BTS ang most streamed song sa Apple Music ngayong 2021.

Sa inilabas na Apple Music global chart Top Song of 2021 ay nanguna ang nasabing kanta.

Ang nasabing kanta inilabas noong Agosto 2020 kung saan ito nakakuha rin ng milyong views ang music video nito sa YouTube.

Nasa pangalawang puwesto namang ang kanta ni Olivia Rodrigo na “Drivers License” habang pumangatlo naman ang kantang “Positions” ni Ariana Grande.