-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Mga nasirang istruktura ang iniwang pinsala ng pananalasa ng malakas na buhawi sa Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport sa Tacloban.

Bandang ala 6:28 kagabi nang tumama ang pinaniniwalaang ipo-ipo kung saan natumba ang ilang sasakyan sa at nasira ang kisame ng airport terminal sa entrance.

Matapos naman ang malakas na buhawi ay sinundan pa ito ng malakas na pag-ulan sa Tacloban.

Wala namang naitalang sugatan sa insidente at sa ngayon ay patuloy ang ginagagawang assessment sa lugar.