Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na ipagbabawal ng dumaan ang mga e-bikes, e-trikes at iba pang kaparehong sasakyan sa pangunahing kakalsadahan sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, huhulihin na at papatawan ng mabigat na multa sa mga lalabag na P2,500 subalit para sa mga walang lisensiya o hindi nakapagrehistro ng e-bikes at e-trikes ay subject sa pag-impound ng kanilang sasakayan.
Sa ilalim ng MMDA Memorandum circular No.4, pagbabawalan ng makadaan ang e-bikes, e-trikes, tricycles at kuligligs sa mga susunod na kalsada:
Claro M. Recto Avenue, Manila
President Quirino Avenue, Manila
Araneta Avenue, QC
Epifanio Delos Santos Avenue
Katipunan/C.P. Garcia, QC
Southeast Metro Manila Expressway
Roxas Boulevard
Taft Avenue
Osmeña Highway
Shaw Boulevard
Ortigas Avenue
Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
A.Bonifacio Avenue
Rizal Avenue
Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue
Marcos Highway
Boni Avenue
España Boulevard at iba pang mga kalsada na tinukoy ng MMDA.