-- Advertisements --

Ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang electronic bingo (E-Bingo) outlet na naaktuhang nag-ooperate kahit na ito ay pinagbabawal ang nasabing operasyon ngayong panahon ng general Community quarantine.

Sinabi pa ng alkalde, na mayroon pang nakapaskil na safety measures ang nasabing establishimento kahit na ipinagbabawal ang operasyon nito.

Dahil dito ay napilitan itong ipasara at pansamantalang sinuspendi ang kanilang operasyon.

Maaari lamang mag-operate ang nasabing mga e-bingo kapag napababa na ang mga quarantine level.