-- Advertisements --

Inihain ng isang mambabatas sa Department of Education (DepEd) na pangunahan ang implementasyon sa House Bill (HB) No. 9581, o ang E-Book for the Barangay Program Act of 2023.

Kabilang sa nakasaad sa E-Book program ang paggawa ng digital library na naglalaman ng e-books, video lectures, at mga simulations.

Magkakaroon din ito ng bersyon sa iba’t-ibang lengwahe ng bansa.

Layon ng programa na maging progresibo ang systema ng edukasyon ng bansa sa pamamamagitan ng pagsulong sa digital literacy, matugunan ang digital divide, at magkaroon ng mas accessible na learning resources ang mga mag-aaral, lalo na sa mga naninirahan sa liblib at malalayong lugar.

Sinabi ni Las Piñas Rep. Camille Villar, dapat na bilisan ang implementasyon ng E-book program, at palawigin pa ito sa paamagitan ng pagpapamigay ng e-readers o tablets para sa mga lugar na mahina ang internet access.

“We need to guarantee equal access to education and learning materials to everyone, especially those who live in far-flung areas. This proposal seeks to make this possible,” ayon kay Villar.