-- Advertisements --
Tuluyan ng pinagbawal ng India ang electronic cigarettes.
Ito ang laman ng inilabas na executive order, dahil sa panganib sa kalusugan na dulot ng mga e-cigarettes.
Nakasaad dito ang pagbabawal sa paggawa, pag-angkat at pagbebenta ng anumang uri ng nasabing electronic cigarettes.
Sinabi ni Finance Minister Nirmala Sitharaman, na ang mga lalabag ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang tatlong taon.
Mayroon kasi ang mahigit 100 million na adult smokers sa India na siyang malaking target para sa mga e-cigarette companies.