BUTUAN CITY – Tuluyan ng natanggap sa 23 na mga dating rebelde ang financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kasabay sa special provincial peace and order council o PPOC meeting sa Agusan del Norte sa kamakailan.
Si Agusan del Norte governor Ma. Angelica Rosedell M. Amante-Matba ang nanguna sa pagbibigay ng E-Clip package of assistance sa mga dating rebelde kasama na si governor-elect Dale Corvera at mga miyembro ng PPOC.
Hinikayat ni Governor Matba ang mga former rebels na tulungan ang pamahalaan sa layuning makamit ang kapayapaan sa kanilang mga kumunidad. Nangako pa si Matba na tumulong sa edukasyon sa kanilang mga bata.
Umabot sa kabuuang P2,633,000 ang tinatayang naibigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Agusan del Norte para sa E-CLIP assistance at 105,000 pesos galing sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Financial Assistance para sa 23 dating rebelde na nagdisesyon na talikuran ang kilusan.
Umabot naman sa P1,353,000 ang halaga sa isinuko nilang mga baril.
Noong Hunyo 6, ang mga benipisyaryo ay sumailalim sa tatlong araw na financial management seminar –workshop na inilunsad ng Provincial Social Welfare and Development Office at Philippine Army.