Target ngayon ng Department of Education na ibilang ang E-Commerce Track sa revised Senior High School curriculum bilang pagkilala sa potensyal ng e-commerce na makabuo ng mga grade 12 graduate na handa na sa trabaho.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, dapat na manatili ang e-commerce dahil ito ay bahagi ng mas malaking marketplace.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng isinagawang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng DEPED, DTI, Philippine Board of Investment at Thames International School.
Layon ng kasunduan na ito na ipakilala ang isang espesyal na SHS E-commerce Track.
Sinabi ni Angara na ang pagpapakilala ng e-commerce track ay isang makabuluhang pag-unlad dahil ito ay lilikha ng maraming oportunidad sa trabaho para sa mga nagtapos sa SHS.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ihanda ang mga K-12 graduates sa kanilang mga employment prospects
Ipinaliwanag naman ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Teaching Gina Gonong na ang inisyatiba na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusuri ng SHS curriculum.