-- Advertisements --

Target ng E-Gilas ang national ESports team ng bansa na mabawi ang kanilang titulo bilang pinakamagaling sa Southeast Asia.

Ito ay dahil sa nalalapit na ang kanilan pagsabak sa FIBA ESports Open III na magsisimula sa Biyernes.

Makakaharap ng Pilipinas ang mga koponan mula sa Indonesia, Vietnam, Mongolia, Maldives at Sri Lanka.

Aabot sa 60 na koponan ang kasama kung saan 28 dito ay mula sa mga Europe conference.

Hindi naman kasama ang Australia na tumalo sa Pilipinas para sa makuha sanan ang ikalawang magkasunod na titulo noong Enero.