-- Advertisements --

Tinanghal na kampeon ang E-Gilas Pilipinas sa katatapos na Southeast Asian Conference ng FIBA Esports Open III.

Ito ay matapos na ilampaso ang Indonesia sa best of three finals sa score na 60-53.

Nanguna sa panalo si Angelico “Shinataro” Cruzin.

Sinabi ni Rial Polog Jr na pinaghandaan nila ang laban sa Indonesia.

Bago makapasok sa finals ay tinambakan nila ang Mongolia sa best of three semifinals 95-35 at 64-53 sa game 2.

Aabot sa 60 na koponan ang kasali sa nasabing laban.