-- Advertisements --

Pasok na sa semifinal round ng FIBA Esports Open III ang E-Gilas Pilipinas.

Tinalo kasi ng pambato ng bansa ang Maldives sa score na 124-30.

Mula pa simula ng laro ay dinomina ng Pilipinas ang Maldives kung saan agad nila itong tinambakan.

Pinangunahan ni Aljon Cruzin ang panalo ng bansa na nagtala ng 54 points at 14 assist.

Bago nila talunin ang Maldives ay unang tinalo ng EGilas ang Vietnam.

Isa ang E-Gilas sa 60 national teams na naglaro sa ikatlong edition ng FIBA ESports Open.