Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas na nagpapatibay sa paglipat ng gobyerno sa E-Governance para sa mas mabilis at pinahusay na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.
Sa botong 304 ang pabor, apat ang hindi, lusot na sa 3rd and final reading ang nasabing panukala.
Ito ang House Bill (HB) No. 7327 o ” An Act institutionalizing the transition of the government to E-Governance in the digital age, creating for the purpose the Philippine Infostructure Management Corp. and appropriating funds therefor.”
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, na siyang punong may-akda, ang nasabing measure ay naglalayong gumawa ng mga serbisyo ng gobyerno na accessible sa mga tao sa pamamagitan ng digital platform.
“The bill would make it easier for people to transact with and avail themselves of services from the government through digital platforms.
It would make the delivery of services more effective, efficient, and transparent,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ang HB No. 7327 ay isang consolidated 21 measures na pawang isinusulong ang batas sa E-Governance.
Layon ng panukalang batas na magpatibay ng isang patakaran upang lumikha, magsulong at magpanatili ng isang digitally empowered at integrated government na nagbibigay seguridad at malinaw na mga serbisyo at transparent citizen-centered services para sa pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya at maging globally competitive ang bansa.
Kabilang sa iba pang layunin ng nasabing panukala ay ang pag promote sa paggamit ng internet, information and communications technology (ICT) and emerging technologies.
Hikayatin din nito ang pakikipagtulungan ng inter-agency sa paghahatid ng serbisyo at sa paggamit ng ICT.
Sakop ng panukalang batas ang lahat ng executive, legislative, judicial, at mga tanggapan kabilang ang mga yunit ng lokal na pamahalaan, estado mga unibersidad at kolehiyo, pag-aari o kontrolado ng gobyerno mga korporasyon, at mga katulad na instrumentalidad ng estado na matatagpuan sa bansa o sa ibang bansa.
“It also involves the implementation of internal government operations meant to simplify and improve both the democratic and business aspects of government,” batay sa paliwanag ng nasabing measure.
Inaatasan ng nasabing panukala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang principal implementer ng nasabing panukalang batas .