-- Advertisements --
cropped House of Representatives

Tutol ang ilang mambabatas sa E-governance bill na isinusulong ngayon sa Kongreso dahil anila ito ay magpapalala sa digital divide ng mga Pilipino.

Nabanggit ni House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro na sa halip na mas pagandahin ang public service, itong e-governance ay magdagdag lang umano ng state surveillance, mas magpapalala sa digital divide at mas mahihirapan ang mga walang access lalo na ang mga walang gadget o ang mga nasa rural areas.

Mahahighlight din umano ang discrimination sa pagitan ng walang access at mga may kakayahang magkaroon ng kanya kanyang access dito.

Isang concern din dito ay ang seguridad at privacy ng mga taong gagamit nito.

Sa halip umano na makatulong ito ay mas mahihirapan lang ang walang digital connection.