-- Advertisements --
cropped Pinoy cellphone 2

Umani ng positibong reaksyon itong e-governance law na isinusulong ng pamahalaan.

Ito ay matapos na inihain ng Department of Information and Communications Technology upang maisakatuparan ang full implementation ng digital transformation sa bansa.

Kung mapapansin, sinisimulan na ng ahensya ang pagpapatupad nito sa ilang mga ahensya ng gobyerno upang masanitize or mafilter ang mga impormasyon at masigurong ito ay may sapat na proteksyon.

Ilan sa mga sinimulan nang idigitalize ay ang sa Land Transportation Office kung saan ito ay tinutulungan ng Department of Information and Communications Technology pagdating sa kanilang sistema.

Dagdag pa rito ay ang sa National ID, ang E-travel system na ginagamit ngayon sa Ninoy Aquino International Airport, tinututukan rin ng ahensya ang pagkakaroon ng National Broad Band at free wifi access sa publiko.

Dahil dito, ayon kay John Denmark, maganda raw itong easy access dahil less hassle na sa tao.

Samantala, sinabi naman ni Jay Mark Frias na isang problema sa digitalized world ay ang mga scam kaya naman sigurohing hanapin ang mga totoong website pati na rin ang tamang impormasyon.

Itong digitalization raw ay maraming aspeto na kailangang isaalang alang tulad na lamang ng polidong sistema, ang polisiya, at ang capacity building kung saan bibigyang tuon ang pagtuturo ng dapat na gawin o ang pag aadjust sa digitalized world.

Kailangan ring masiguro ang cyber security upang makapagbigay ng assurance sa publiko na ang bawat impormasyon na kanilang ibibigay ay protektado ng bawat sistema.

Isa raw sa malaking hamon dito sa planong digital transformation ay ang pagpapabago ng mindset ng bawat indibiwal kung paano gagamitin ang sistema ng sa gayon ay maisakatuparan ito at mas maging epektibo.