Magsasagawa ng electronic raffle ng Party-list groups ang Commission on Elections sa araw ng Biyernes, Oktubre 18 para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng mga ito sa opisyal na balota para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, matatanggal na sa bagong polisiya ang nakagawiang alphabetical order.
Sinabi din ng Comelec official na ila-livestream nila ang naturang e-raffle sa kanilang official streaming platforms.
Base nga sa Comelec Resolution No. 11068, isasagawa ang raffle sa Oktubre 18 bandang alas-9 ng umaga sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.
Papayagan namang makilahok sa raffle ang existing party-list groups, organisasyon o koalisyon na may active registration sa araw ng raffle at mga nakapaghain ng Manifestation of Intent to Participate sa Party-list System, at newly-registered party-list groups.