Inalmahan ng ilang electric scooters owners sa bansa sa planong pag-regulate sa kanila ng Land Transportation Office.
Ayon sa ilang may-ari ng electric scooters na hindi pa napapanahon na sila ay higpitan dahil sa nararanansan panademya.
Isa kasi ang nasabing electric scooter sa malaking tulong ngayon lalo na mahirap ang transportasyon.
Dagdag pa ng ilan na hindi sila susugal sa nasabing pampublikong transportasyon kung saan malaki ang tsansa ng hawaan.
Magugunitang inihayag ni LTO chief Edgar Galvante na mayroon na silang ginawang administrative order para sa paggamit ng e-scooters at naisumite na nila ito sa opisina ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
Nakasaad sa nasabing plano na dapat irehistro ang mga scooter at ganun din dapat ay mayroong lisensya ang mga gumagamit nito.
Sa datos ng Electric Kick Scooter Philippines tumaas ng 110 percent ang bumili ng e-scooter sa bansa mula noong Mayo hanggang Hulyo kumpara noong nakaraan gtaon.