Ipinatupad na ngayong araw ng Singapore ang pagbabawal sa paggamit ng e-scooters sa mga sidewalks dahil sa dumadaming kaso ng aksidente na sangkot ang mga motorized vehicles.
Ayon kay Senior Minister State for Transport Lam Pin Min, maglalabas umano sila ang advisory period hanggang December 31 kung saan ilalagay din dito ang ilang babala para sa mga riders.
“Those caught riding on e-scooter on footpaths will be liable for a fine of $1,472 (SGD$2000) and, or, jail up to three months,” ani Lam.
Nagbunsod ang hakbang na ito matapos mamatay ang 65-anyos na babae matapos mabangga ng e-scooter ang sinasakyan niyong bike noong Setyembre. Namatay sa ospital ang biktima dahil sa natamo nitong brain injury.
Dagdag pa ni Lam, mas lalong umigting ang panawagan ng mamayan na ipatupad ang bagong patakaran matapos na dumami rin ang kaso ng road accidents at pag-abuso sa e-scooter regulatiuons.
Aniya, kahit may mga kapansanan ay hindi ligtas sa bagong patakaran na ito.
Unang ipinatupad sa France ang e-scooter ban dahil nagdulot na ito ng tensyon mula sa milyon-milying residente.