-- Advertisements --
NAIA ofw passengers 1

Sa ilalim ng E-travel system na ito, lahat ng passport holders mapa Philippine o foreign holders ay kinakailangang mag rehistro sa pamamagitan ng online portal, 72 hours hanggang 3 hours bago ang scheduled flight.

Itong registration ay walang bayad at magsisilbi rin itong contact tracing platform sa lahat ng babiyahe.

Layunin din nitong bagong sistema na mapabilis ang immigration clearance ng sa gayon ay mabawasan ang hassle sa pagproseso nito.

Kung ikukumpara umano sa dating proseso, higit na mas mabilis ito dahil ngayon ay mag iscan na lamang at hindi na kailangang maghintay pa sa mahabang pila.