Naging matagumpay ang isinagawang ‘e-Undas’ o electronic Undas ng Bureau of Corrections (Bucor) para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP).
Ang naturang programa ay bahagi ng pagnanais ng BuCor na mailapit ang mga preso sa kanilang mga kamag-anak na pumanaw na sa kabila ng kanilang pananatili sa kulungan.
Sa ilalim kasi nito ay maaaring makausap ng mga PDL ang kanilang mga kamag-anak na bibisita sa mga libingan ng kanilang mga kaanak. Ito ay sa pamamagitan ng isang video conference sa ilalim ng supervision ng ahensiya.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, maraming mga PDL ang nakibahagi sa naturang programa kung saan pansamantala ay nasilayan nila ang libingan ng kanilang mga kaanak.
Samantala, pinangunahan din ng dating heneral ang special na misa sa mass grave sa loob ng NBP Cementery.
Ayon kay Catapang, ito ay bilang paggunita sa alaala ng mga pumanaw na presyo.
Bahagi rin ito ng pagnanais ng BuCor na maikintal sa puso ng bawat PDL ang samahan at pagtitiwala sa bawat isa.