-- Advertisements --
Photo © Atty. Harriett Sultan Facebook Page
Photo © Atty. Harriett Sultan FB Page

DAVAO CITY – Iginiit ng Davao City government na nabigyan ng sapat na atensyong medikal ang miyembro ng delegasyon ng Eastern Visayas na pumanaw nitong Miyerkules, Mayo 1, habang nasa siyudad ito para sa Palarong Pambansa 2019.

Bago ito, sumakabilang buhay ang legal officer ng Department of Education (DepEd)-Ormoc Division na si Atty. Harriett Sultan, 45-anyos dahil sa aneurism o pagputok ng ugat.

Paliwanag ni Davao City Health Office Head Dr. Josephine Villafuerte, agad ding dinala ng mga Central 911 personnel sa Southern Philippines Medical Center ang opisyal.

Hinintay din aniya nilang mag-stabilize ang kondisyon nito, ngunit binawian na ito ng buhay nang tangkain itong i-revive sa ikaapat na pagkakataon.

Ililipad naman umano ngayong Biyernes and labi ni Sultan pabalik ng Ormoc sakay ng isang commercial plane.

Nabatid na nanggaling pa sa Estados Unidos si Sultan at bumiyahe direkta sa bansa para makadalo sa ginaganap na multi-sports meet.