-- Advertisements --

Nakipagkasundo ang isang e-wallet company sa National Bureau of Investigation (NBI) para palakasin ang mga hakabang sa paglaban sa online fraud, scam at iba pang cybercrimes sa bansa

Sa ilalim ng memorandum of agreement na nilagdaan noong Enero 10, tutulungan ng kilalang e-wallet company ang NBI sa pagpigil, pag-detect, pag-iimbestiga at pag-uusig sa mga kaso ng cybercrime na may kinalaman sa paggamit ng kanilang e-wallet application o sa paglipat o pagtanggap ng mga nalikom mula sa anumang krimen o labag sa batas na aktibidad.

Gagawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng may katuturang impormasyon at data sa ilalim ng mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon.

Sinabi ng e-wallet company na ang kasunduan ay lalo pang nagpapatibay sa prayoridad nito upang ma-secure ang mga pondo at data ng mga gumagamit nito.

Ayon naman kay NBI director, Medardo De Lemos. habang parami nang parami ang mga Pilipino na yumakap tumatangkilik sa digital space para sa kanilang pang-araw-araw na mga transaksyon at pamumuhunan, napakahalaga para sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas na magkaroon ng aktibong kasosyo tulad ng isang e -wallet company kung saan nakikipagpalitan sila ng teknikal na kaalaman at kadalubhasaan sa pinakabagong mga hakbang sa cybersecurity.

Inilarawan din ito ng opisyal na isang malaking milestone sa kanilang shared fight laban sa mga scammers, fraudsters, at iba pang cybercriminals.

Inihayag rin ng naturang e-wallet company na hanada rin silang makipagtulungan sa PNP,Anti-Money Laundering Council at iba pang ahensya ng pamahalaan.