-- Advertisements --

Kinondena ng pamunuan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) na hindi totoo ang balitang matagal nang nakatagilid ang gusali ng kanilang paaralan.

Ito ay kaugnay ng pagsandal ng paaralan sa katabi nitong gusali matapos tamaan ang Maynila ng lindol kahapon kung saan ang sentro ng 6.1 magnitude ay sa Zambales at Pampanga.

Ayon kay Engineer Gregory Serrano, isa sa mga magsasagawa ng imbestigasyon sa paaralan, matagal na umanong napansin ni University President Dr. Paulo Campos na halos magkadikit lang ang dalawang gusali sa isa’t isa.

Kung kaya’t hindi raw malayo na sa kaunting paggalaw lamang ng lupa ay nagmistulang tumabingi ang paaralan.

Iginiit naman ni Dr. Campos na walang nakabinbing court issue ang Emilio Aguinaldo College sa katabi nitong building at kung sakali man daw na may problema ay pwede nila itong mapag-usapan ng maayos.