-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan ang dating gitarista ng bandang Eagles na si Don Felder matapos na nakaranas ng medical emergency.
Nangyari ang insidente habang ito ay tumutugtog sa stage ng Rock Legends Cruise kung saan hindi na ito nakagalaw at muntik ng matumba.
Kakantahin na sana nito ang hit song nila na “Tequila Sunrise” ng hindi na ito nakagalaw habang nag-gigitara kaya mabilis na ito ay inalalayan ng mga crew.
Matapos ang ilang oras ay nagpost ang team nito kung saan tila dumanas ito ng dehydration kaya agad siyang pinainom at bumubuti na ang kaniyang kalagayan.
Patuloy ang paglayag ng cruise patungong Bahamas kung saan mayroon pang ilang nakatakdang gig si Don.