-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Madrid Open sa Spain.
Ito ay matapos na talunin siya ni world number 2 Iga Swiatek sa scord na 4-6, 6-4, 6-2.
Nagawa pang maitabla ni Eala sa 4-4 sa ikalawang set subalit pinatunayan ni four-time French Open champion ang kaniyang lakas sa clay court.
Pagpasok ng desiding set ay nakalamang agad ang Polish player na 3-0 hanggang mahabol ni Eala 3-1.
Subalit hindi na nagpabaya si Swiatek at tuluyan tinalo ang Pinay tennis star.
Itinuturing ni Swiatek na rematch niya ang laban kay Eala dahil sa tinalo siya sa quarterfinals ng Miami Open noong nakaraang buwan.