Nabigo si Filipino number 8 seed tennis player Alex Eala sa opening round W25 Corroios-Seixal sa Portugal.
Tinalo kasi ni Sohyun Park ng South Korea sa secor na 4-6, 3-6.
Sa unang set ay nakalamang pa ito subalit ipinagana ng South Korean player ang kaniyang matinding depensa.
Si Eala ay ranked 261 sa Women’s Tennis Association (WTA) Rankings habang si Park ay ranked 336.
Sa susunod naman na linggo ay sasabak si Eala sa W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain.