-- Advertisements --

Nabigo si Filipina tennsi star Alex Eala sa Ningbo Open sa China.

Ito ay matapos na talunin siya ni Priscilla Hon ng Australia sa score na 4-6, 3-6 sa unang round ng qualifying matches.

Nadomina ni Hon ang laban kung saan mayroon itong kabuuang siyam na aces sa buong matches.

Naging agresibo sa laro si Hon hanggat hindi na nakahabol pa ang Pinay tennis star.

Itinuturing na ang resulta ay decisive win sa Australian player na naglaglag kay Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) 500 event.

Ang nasabing pagkatalo ay siyang dalawang sunod na pagkabigo na ni Eala na ang una ay nong Wuhan Open.