-- Advertisements --
Nabigo sa unang round pa lamang ng W15 Manacor si Pinay tennis player Alex Eala.
Tinalo siya ng 20-anyos na Swiss player na si Simona Waltert.
Nakuha ni Waltert ang score na 6-4, 2-6 at 7-5 sa laro na ginanap sa Rafa Nadal Academy by Movistar sa Mallorca, Spain.
Sa unang set ay hindi bumitaw si Eala hanggang nakuha ni Waltert ang kontrol sa laro.
Umabot ng dalawang oras at 44 minuto ang nasabing laro ng dalawa.
Ito na ang pang-anim na pro tournament na sinalihan ni Eala.
Si Eala ay 2020 Australian Open Junior girls doubles champion at 2020 Roland Garros girl’s singles semifinalist.