-- Advertisements --

Hindi na natupad ang itinuturing na dream match ni Alex Eala na makaharap sa world singels No.2 Aryna Sabalenka.

Ito ay matapos na talunin siya ni world doubles number 1 Katerina Siniakova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-1 sa opening round ng Wuhan Open.

Sa simula ay naging maganda ang ipinakita ni Eala na world number 148.

Pagpasok ng ikalawang round ay umarangkada ang Czech player.