-- Advertisements --

Nabigo si Filipino teen qualifier Alexandra “Alex” Eala na makapasok sa quarterfinals ng W60 Grenoble tournament.

Ito ay matapos na talunin siya ni French No.4 Chloe Paquet sa score na 4-6, 7-5 at 6-3.

Umabot sa 2 oras at 34 minuto ang laban ng dalawa sa torneo na ginanap sa France.

Sa unang set ay nominado ni Eala ang laro subalit pagdating ng ikalawang set ay doon nakabawi si Paquet.

Susunod na makakaharap ni Paquet sa quarterfinals si athinka von Deichmann ng Liechtenstein.