-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng qualifications sa Wimbledon si Filipino tennis sensation Alex Eala.

Tinalo nito sa unang round si Jessika Ponchet ng France.

Nadomina ni Eala ang laro kung sa score na 7-6, 6-4 na tumagal ng isang oras at 48 minuto.

Bagamat nakalamang pa ang French player sa unang set ay hindi nagpabaya si Eala hanggang tuluyang ilampaso ang kalaban.

Susunod na makakaharap ni Eala si Tamara Zidansek ng Slovenia.

Nasa ranked number 157 si Eala habang ang Slovenian na makakaharap nito ay nasa ranked 110.