-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng 2025 Miami Open si Filipina tennis ace Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Katie Volynets ng US sa score na 6-3, 7-6(3).

Ang nasabing panalo ay siyang una mula ng makasama siya sa main draw ng Miami Open.

Sa umpisa ay tila mabagal ang Pinay ranked world 140 hanggang makuha nito ang momentum at talunin ang ranked world number 73.

Susunod na makakaharap ni Eala si Jeļena Ostapenko ng Latvia na siyang pang-25 ang ranking sa buong mundo.