-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Oeiras Ladies Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin si Anouk Koevermans ng the Netherlands sa score na 6-3, 6-4.
Nangibabaw ang ranked 72 na si Eala laban sa ranked 182 sa laro na ginanap sa Portugal.
Una rito ay nasuspendi ang laro dahil sa biglang pagbuhos ng ulan kung saan hawakni Koevermans ang kalamangan 2-4.
Magugunitang kagagaling lamang ni Eala sa tagumpay niya sa Miami Open kung saan tinalo niya ang ilang mga top ranked tennis players.