-- Advertisements --
Nakausad na sa ikalawang round ng W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain si Pinay tennis player Alex Eala.
Ito ay matapos talunin sa unang round si World Number 58 Jaqueline Cristian ng Romania sa score na 7-6(5) , 6-7(1) at 6-2.
Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala subalit kaniya itong nalusutan sa mga sumunod na set.
Susunod na makakaharap ng 18-anyos na si Eala si 19-anyos Chinese qualifier at world No. 840 Tianmi Mi sa ikalawang round.
Ang magwawagi sa nasabing torneo ay magbubulsa ng $100,000 sa kabuuang papremyo.