-- Advertisements --
Pasok na sa Round of 32 ng Miami Open si Filipina tennis ace Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Jelena Ostapenkko ng Latvia sa score na 7-6(2) , 7-5.
Isang malaking panalo ito kay Eala na nasa ranked number 140 ng WTA dahil sa tinalo nito ang WTA number 25 at 2017 French Open Champion.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan ni WTA number 5 Madison Keys ng US at Elina Avanesyan ng Armenia.