-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng W100 tennis tournament sa Spain si Filipina tennis player Alex Eala.

Tinalo kasi nito si Luica Cortez ng Spain sa score na 6-2, 4-6, 6-2 sa quarterfinals.

Ito na ang itinuturing na pinakamagandang laro ni Eala sa W100 na nagpapakita ng kanying magandang record sa ITF Women’s World Tennis.

Desidido naman ang 18-anyos na si Eala na makuha ang kampeonato sa nasabing torneo.