-- Advertisements --
Muling sinorpresa ni Pinay tennis ace Alex Eala ang mga nanonood ng Miami Open matapos na talunin nito si World Number 5 Madison Keys ng US.
Nakuha ng 19-anyos na si Eala ang score na 6-4, 6-2 para makapasok sa round of 16.
Siya ang unang Pinay sa Open Era nan nakatalo sa top-10 na kalaban mula ng ipatupad ang ranking system noong 1975.
Ang nasabing panalo ay ilang araw ng talunin nito si world number 25 na si Jelena Ostapenko sa ikalawang round ng torneo.
Sa opening set pa lamang ay naging agresibo si Eala kung saan tuloy -tuloy ang ginawang pag-atake sa American tennis player.
Pinasalamatan ni Eala ang pamilya at mga Filipino na nanood ng kaniiyang laro.
Susunod na makakaharap ni Eala si world number 10 na si Paula Badosa ng Spain.