-- Advertisements --

Nagwagi sa unang round ng WTA 250 Romania.

Tinalo nito si Paula Ormaechea ng Argentina sa score na 7-5, 6-2.

Hindi nagpatinag ang 16-anyos sa mga record na nakamit ng 28-anyos na Ormaehea.

Isa na kasing 15 ITF singles champion ang Argentinian tennis player.

Sa kaniyang social media page hindi nito maipaliwanag ang saya dahil sa panalo sa unang sabak niya sa torneo.

Susunod na makakaharap nito si Mayar Sherif ng Egypt na tinalo si No. 1 seed Alize Cornet ng France.

Ranked 119 sa buong mundo ang 25-anyos na si Sherif.