-- Advertisements --

Inaprubahan na ng mga mambabatas mula sa Kamara at Senado ang panukalang Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act. na batas, na ipinasa ng Bicameral Conference Committee.

Ang naturang batas ay naglalayon ayusin at palakasin ang kasalukuyang sistema ng ECCD upang ito’y maging mas maging komprehensibo, sustainable, at accessible sa mas maraming bata sa Pilipinas.

Binibigyang-diin nito ang malawak na kooperasyon ng iba’t-ibang sektor at ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos na programa at maibigay ang pinakamagandang pangangailan para sa mga batang Pilipino.

Ipinahayag naman ni House Education Committee Chairperson at Pasig Representative Roman Romulo ang kahalagahan ng panukala, at binigyang-diin ang pangangailangan na mapabuti ang mga programa kasunod ng mga banta sa kalusugan ng mga bata sa bansa.

Binanggit niya na tanging 25% ng mga bata na nasa edad 6 hanggang 12 buwan lamang ang nakakakuha ng kinakailangang energy intake nito, partikular na sa mga lugar na mahihirap na lugar ngunit marami rin sa mga batang may edad limang taon pababa aniya ang nahaharap sa matinding kakulangan ng nutrisyon at walang sapat na access sa mga programang Early Childhood Care and Development .