-- Advertisements --
Hinikayat ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines na makibahagi ang mga Filipino sa taunang Earth Hour ngayong araw Marso 28, 2020 ganap na alas-8:30 ng gabi.
Sinabi ni WWF-Philippines Earth Hour Pilipinas national director Atty. Angela Ibay, nais nilang iparating na ang ginagawang hakbang ng mga Filipino ay may malaking epekto sa mundo.
Malaking tulong din ang pagpatay ng konsumo ng kuryente kahit sa loob lamang ng 30 minuto.
Nagsimula ang “lights out” event noong 2007 sa Sydney kung saan sabay-sabay na pinapatay ang mga ilaw bilang tulong sa mundo.
Ang Pilipinas ay kinikilala sa record breaking na dami nang nakikilahok taun-taon.