-- Advertisements --

Todo panawagan ngayon sa publiko ang gobyerno lalo na ang mga tanggapan ng Department of Energy, DENR at Malacanang na sana makilahok ang lahat sa taunang Earth Hour.

Ito ang 60 minuto o isang oras na pag-turn off ng mga non-essential lights mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 mamayang gabi.

Ayon sa DOE kahit ganito kaiksi lamang ang pagpatay sa mga hindi kailangang ilaw, malaking tulong na ito para sa energy efficiency at conservation efforts.

Lalo na raw sa panahon ngayon na mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

earth hour 2022 1

Ayon naman kay Sec. Martin Andanar ang Presidential Communications Secretary at acting Presidential Spokesperson, ang selebrasyon ng Earth Hour ay magandang paalala na ang climate change at global warming ay nakakabahala at dapat pagtuunan ng pansin lalo na at ang Pilipinas ay masyadong vulnerable sa epekto ng climate change.

“The Philippines is highly vulnerable to the effects of climate change and this year’s Earth Hour is a good reminder that climate change and global warming are real issues that we need to pay more attention to and require urgent action,” panawagan pa ni Sec. Martin.

Ang DENR ay may paalala pa sa mga botante na pumili o iboto ang mga susunod na lider na ang prayoridad ay climate change mitigation

“Apart from these, individuals can contribute in saving the planet by eating more sustainably, not wasting food, reducing plastic usage, being energy-sufficient, being a conscious consumer, being supportive of the government’s environmental programs, being environmental ambassadors in their sphere of influence,” ani DENR acting Secretary Jim Sampulna.

Ito rin naman ang panawagan ni Atty. Angela Consuelo Ibay, Earth Hour Philippines national director.

Ayon kay Atty. Ibay sa Bombo Radyo, sana raw iboto ang mga mga kandidatong may plataporma sa kalikasan.