-- Advertisements --

All systems go pa rin sa international community ang Earth Hour ngayong taon.

Ito’y sa kabila ng pakikipaglaban ng maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa Indonesia, nagpahayag na ang mga ito na makikiisa sa isang oras na pagpatay ng ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 mamayang gabi.

Gayunman, hindi muna gagawin ang traditional gatherings, bagkus ay papairalin pa rin ang physical distancing sa gitna ng COVID-19 outbreak.

Ayon sa World Wildlife Foundation-Indonesia acting Chief Executive Officer na si Lukas Adhyakso, ipaparating na lamang “digitally” ang kanilang mensahe hinggil sa pagprotekta sa Inang Kalikasan at paglaban sa global warning.

“It is a time for solidarity and a time to respond to challenges more creatively and work more collaboratively, which is why Earth Hour is being marked through digital events across the country,” ani Lukas.

Nabatid na inirerekomenda na kay Indonesian President Joko “Jokowi” Widodo ang pag-lockdown sa mga lugar sa kanilang bansa na sentro ng deadly virus kung saan nakapagtala na sila ng 1,046 kaso at 87 ang tuluyang nasawi.

Samantala, sa official Twitter account ng Earth Hour, may last minute campaign ang mga ito sa iba pang bansa na makiisa sa taunang aktibidad.

Una nang hinikayat ng World Wide Fund for Nature Philippines ang mga Pinoy na makibahagi sa Earth Hour. (with info from jakartapost)