Walang patid ang Embahada ng Pilipinas sa Myanmar sa paghahatid ng tulong para sa mga Overseas Filipino Workers na naapektuhan ng mapaminsalang magnitude 7.7 na lindol kamakailan.
Dahil dito ay inanunsyo ng Embahada ang pagpapatupad nito ng Earthquake Assistance Programs sa mga Pilipino apektado ng pagyanig.
Maliban dito ay nag-aalok rin ang Embahada ng repatriation gamit ang C130 aircraft ng gobyerno na nakatakdang dumating sa Abril 12 ng taong ito.
Sa ngayon kasi ay nananatiling punuan ang lahat ng mga commercial flights sa naturang bansa dahil sa insidente.
Sa sandaling ma repatriate ang mga OFWs , maaari pa rin silang bumalik sa Myanmar kung nanaisin ng mga ito bastat kumpleto sa kinakailangang dokumento.
Patuloy rin ang pagbibigay ng Embahada ng transportation assistance patungong Yangon para sa mga OFWs na kinakailangang ilikas.
Nagbibigay rin sila ng libreng akumudasyon at pinansyal na tulong sa mga kababayang nangangailangan.